Add parallel Print Page Options

At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang iyong katuwiran,
At ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat.
(A)Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, (B)at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya:
(C)Huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad,
Dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha.
Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot:
Huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan.

Read full chapter